Ang iyong LAGDA ay naiiba sa ibang lagda ng tao. Sa aming magkakapatid may pagkakahawig ang aming mga lagda pero meron pa ring uniqueness ang akin at sa kanila. Gaya ng ibang lagda, pwedeng magaya at gayahin ng iba. Magkakaiba rin ang pananaw ng iba’t ibang tao ukol sa iyong lagda. Pwedeng para sa kanila ito ay maganda, pangit, o pangkaraniwan lamang.
Ganun din ang iyong buong pagkatao. Ang iyong pagkatao ay naiiba sa kanila. Maaring may pagkakahawig ang pag-uugali mo sa iyong kapatid, pero meron pa ring something unique in you. Sa kadami-dami ba naman ng tao dito sa mundo, out of 6,875,128,205, WALA KANG KATULAD? Try to imagine that.
Minsan din naman, kinukumpara ko yung sarili ko sa iba based on intelligence, looks, influence, power, wealth, leadership, at etc. But later on, I realized na mali pala ang ginagawa ko. “WHEN YOU COMPARE YOURSELF TO OTHERS, YOU ARE JUST HURTING YOURSELF.”
Noon, sa tuwing kinu-compare ko yung sarili ko sa iba at pag feeling ko mas nakaka-angat ako sa kanya – that’s PRIDE. At sa tuwing kinu-compare ko yung sarili ko sa iba at kung sa tingin ko mas nakaka-angat siya sa akin – that’s INFERIORITY. At puros mali yun.
May mga bagay na makikita mo sa iba na wala sa iyo. Ina-allow ito sa iyo ni Lord para ma-realize mo naman kung ano ang meron ka. “YOU DON’T MISS THE WATER UNTIL THE WELL RUNS DRY.” You never how important it is until it you lose it. TO WISH YOU WERE SOMEONE ELSE IS TO WASTE THE PERSON YOU ARE. God says that YOU ARE FEARFULLY AND WONDERFULLY MADE. Be original and appreciate what you have. Ok?
Kaya’t wag mo nang gayahin yung karakter ng iba. Gampanan mo kung ano ang papel mo dito sa mundong ito. GOD NEVER CREATES JUNK. THEREFORE, YOU ARE NOT A JUNK. God places you on this earth for a VERY SPECIFIC PURPOSE, so FIND the purpose of your LIFE in HIM at wag hanapin sa iba, since HE created you. For only the Creator knows the REAL purpose of what He had created.
Lahat ng tao ay may kahinaan at kalakasan. Wag mong hayaan na matakpan ng iyong kahinaan ang iyong kalakasan. Sa buhay na ito, lumaban ka sa paraang MALAKAS ka at wag yung NATATALO ka lang. SUCCESS IS ACHIEVED BY DEVELOPING OUR STRENGTHS, NOT BY ELIMINATING OUR WEAKNESSES.
GOD BLESS YOU LEADERS AND EMERGING LEADERS!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento